Wattpad

AVAH FOREVER MALDITA [BOOK 2] Ongoing - MALDITA 4 (p.2 of 20)

"At sino ka para utusan ako?" taas kilay kong tanong.

"Ako si Demi, hindi Demi Lovato pero Demi Abilon, ang nawawalang anak ni Rizal! Sige na Miss, papicture na." nagmamaka-awa nyang sabi sakin.

"Eh kung isinusunod kaya kita kay Rizal?" pinanlakihan ko pa sya ng mata.

"Bakit babarilin mo ako?" nagtanong pa.

"Hindi. Kikilitiin kita hanggang mamatay ka, yun ang kinamatay ni Rizal eh. Hindi mo alam?" pagtataray ko.

"Wala namang namamatay sa kiliti ahh." pagtataka pa nya.

"Ikaw pa lang, kapag di mo ako tinantanan." Imbyerna 'to ahh.

"Sungit" bulong pa nya, aba gagang 'to ahh.

"Ano ka ba naman Avah. Halika Demi, picture na tayo." Sabi naman ni Avy, inirapan ko lang silang dalawa.

-

"Ang ganda ganda mo po Miss Avy. Pwede po bang mag-pa-authograph?" papuri naman noong isang babae sabay abot ng hawak nyang CD ni Avy. Maganda si Avy? Eh mas maganda kaya ako dun.

"Thank you. Anong name mo?" pasweet na tanong ni Avy.

"Keziah Mai Gomez po, pwede po bang ChixieChups na lang yung ilagay nyo?" tuwang tuwang sabi nung Keziah.

"Hmm, sure. Do you have a pen?" pa-sweet na tanong ni Avy. Nataranta naman yung Keziah at kinapa ang laman ng bulsa nya, pati na din ang bag nya, pero wala syang nakuhang ballpen.

Mahirap! Ang lakas mag-pa-autograph, wala naman palang ballpen. Tsk. Buti pa yung isa, ready, may digicam na dala.

Dahan-dahan lumapit yung babae sakin.

< prev  |  next >
<< start  |  end >>
< Part 5 of 36 >

home | faq | full web site